KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gas•lás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog ng agos ng tubig sa ilog na mabato o mulâ sa itaas ng isang talon.
LAGUNGLÓNG

2. Tunog ng mababaw ngunit mabilis na agos ng tubig.
LAGUNÓS

3. Tunog ng mga dahong gumagalaw sa ihip ng hangin.
LAGISLÍS

Paglalapi
  • • lagaslásan: Pangngalan
  • • lumagaslás: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!