KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•wak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpigil ng kamay sa anuman.
Mahigpit ang háwak ng kasambahay sa kaniyang alaga na gustong humabol sa ina.

2. Pagiging nása ilalim ng kapangyarihan.
Ang háwak ng pulis ay pusakal na magnanakaw.
TÁBAN, TÁNGAN

3. Pangangasiwa ng isang tungkulin o posisyon sa trabaho.

4. Pagkapit nang mahigpit at mabilis sa anuman upang hindi mahulog.

Paglalapi
  • • hawakán, pagháwak: Pangngalan
  • • hawákan, humáwak, iháwak, ipangháwak, maghawakán, magháwak, magháwak-háwak, mahawákan, manghawákan, mangháwak, mapagháwak, mapaháwak, paghawákin, panghawákan: Pandiwa
  • • háwak-háwak, magkaháwak, mapanghahawákan, pangháwak: Pang-uri
Idyoma
  • háwak na ang pugò
    ➞ Nása kamay na ang kailangan; nakatitiyak na.
    Natanggap na niya ang perang padala ng kapatid kayâ segurado na niyang háwak na ang pugò.
  • háwak sa taínga
    ➞ Walang tutol na sumusunod sa kaniya; sunod-sunuran.
    Háwak sa taínga ng tiyuhin mo ang táong iyan kayâ huwag mo nang asahan na susunod sa iyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?