KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•ban

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghawak sa anuman upang hindi mahulog o mabuwal ang sarili.

2. Paghawak sa anumang dalá o pinipigilan lámang.

3. Tawag din sa inuukulan nitó.

Paglalapi
  • • pagtában, pakitában: Pangngalan
  • • magtabánan, magtában, pagtabánin, pakitabánan, patabánan, tabánan, tumában: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!