KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagyarì ng tela; pagbuo ng bagay o disenyo gamit ang pinagsalit-salit na sinulid o hibla.
Mabilis at maganda ang hábi ng baróng-tagalog.

2. Paglikhâ ng mga bagay na hindi totoo.
Nakatatakot ang hábi ng kuwento tungkol sa mga batà.

Paglalapi
  • • habíhan, manghahábi, paghábi, pagkahábi: Pangngalan
  • • habíhin, hinábi, humábi, ihábi, ipahábi, magpahábi, pahabíhin: Pandiwa
  • • hinábi: Pang-uri
Idyoma
  • humábi ng katwíran
    ➞ Lumikha ng mga katwirang hindi totoo o gawa-gawa lámang.
    Humábi ng katwíran ang mga mag-aaral kayâ nakalusot silá sa púnong-gurò ng kanilang paaralan.
  • hábi ng dilà
    ➞ Mga balitang hindi totoo; tsismis.
    Huwag mo siyang paniwalaan, sapagkat ang ibinalita niya sa iyo ay isang hábi ng dilà lámang.

há•bi

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Yaring katulad ng sa káyo.
Hábi sa pinya ang baróng-tagalog ko.

ha•bì

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Lumigpit o tumabi upang hindi makasagabal.
Habì ka riyan! Nagmamadali ako!
ALÍS, LAYÔ, TABÍ

Paglalapi
  • • paghabì: Pangngalan
  • • humabì: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.