KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•yú•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Kapampángan
Kahulugan

1. Kapangyarihang umakit o magpaibig sa isang tao.

2. Mahiwagang substance na may bisang paibigin ang isang tao.

Paglalapi
  • • gayumáhin, magayúma, makagayúma, manggayúma: Pandiwa
  • • mapanggayúma, nakagagayúma: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.