KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gú•lat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Reaksiyong sanhi ng anumang hindi inaasahan o kakaiba na karaniwang kakikitahan ng panlalakí ng mata, pagbuka ng bibig, sigaw, atbp.
Kíta ang gúlat sa mata ng ina nang dumating ang anak na naglayas.
MANGHÂ, TAKÁ, BIGLÂ, HILAKBÓT

Paglalapi
  • • pagkagúlat, panggúlat: Pangngalan
  • • ginúlat, gulátin, gumúlat, maggulatán, magúlat: Pandiwa
  • • kagúlat-gúlat, magugulatín, nakagugúlat: Pang-uri
Idyoma
  • wálang gúlat
    ➞ Walang kinatatakutan.
    Wálang gúlat si Pedro dahil sa laki ng katawan.

gu•lát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakakíta ng anumang hindi inaasahan o kakaiba.
Gulát na gulát siya sa laki ng pinagbago ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.