KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

big•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

1. Nang napakabilis.

2. Nang hindi inaasahan o walang paunang abiso.
Biglâ lang bumuhos ang ulan.
AGÁD, DÍNGAT, GINSÁ

big•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Mabilis na pagganap sa anuman.

2. Hindi inaasahan o walang paunang abiso.
Biglâ ang datíng ng punong-guro kayâ tumahimik ang magugulóng estudyante.

3. Pangmaramihan.
Biglâ ang ginawa niyang pagbili ng mga kailangan.

Paglalapi
  • • kabiglaánan, pagkabiglâ : Pangngalan
  • • pambigláan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?