KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gá•mit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang bagay na mayroong tungkulin (lalo na kung pagmamay-ari ng isang tao).
Kulang pa ang mga gámit namin sa nilipatang bahay.
APARÁTO, INSTRUMÉNTO, KAGAMITÁN, KASANGKÁPAN

2. Pagkuha, pagsamantalá, o pagpapatupad sa funsiyon ng anumang bagay para sa isang layunin.

3. Pagiging kasangkapan ng anuman sa isang di kanais-nais na gawain (lalo na kung hindi batid).

4. Paggasta o pagkonsumo sa anumang kantidad na nahahanggahan.

Paglalapi
  • • kagamitán, paggámit, pagkagamitín: Pangngalan
  • • gamítin, gumámit, ipagámit, magámit: Pandiwa
  • • gamitín, magagámit, mapaggámit: Pang-uri

ga•mít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Napakinabangan na ng iba.
Gamít na ang mga ipinamigay kong sapatos.
LUMÀ, SEGÚNDA-MÁNO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!