KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ins•tru•mén•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Kasangkapan o kagamitan.
Natakot ang batang magpapabunot ng ngipin nang makita ang mga instruméntong dalá-dalá ng dentista.

2. Anumang bagay na ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawâ.
Naging instruménto ng Pangulo ang Unang Ginang sa pakikipag-ugnayan sa mga pangulo ng Estados Unidos.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!