KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

en•dó•so

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Ipahayag sa publiko ang pagsuporta para sa anuman (lalo na sa halalan).
Inendóso ng isang dáting senador ang nangunguna sa pagkapangulo.

2. Ipahayag ang pagkiling sa anumang produkto o serbisyo (lalo na kung sa pamamamagitan ng patalastas).
Sumisikat ang mga tatak na ineendóso ng artistang ito.

3. Bigyan ng pahintulot o pagtibayin.

4. Lumagda sa likod ng tseke.

Paglalapi
  • • pag-endóso: Pangngalan
  • • iendóso, inendóso, maendóso, mag-endóso, naendóso: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.