KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•ráng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng anuman sa init ng apoy o ng bága upang maluto, matuyo, o mainitan.
DANGDÁNG, DAGANDÁNG, SÁLAB

2. Bisà ng matamang pakikiusap at paglalapit-lapit na nakatutukso.
SULSÓL, UDYÓK

Paglalapi
  • • darángin, idárang, madárang: Pandiwa
Idyoma
  • nadaráng
    ➞ Natukso.
    Nadaráng na naman ako sa kaniya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.