KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ko

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pook na tinutúngo, tinitingnan, o itinuturo.
Saang dáko ng bayan siya nakatirá?
DIREKSIYÓN, GAWÎ, LÁDO

2. Tanging puwesto.
Sa kaliwang dáko mo paupuin ang kasáma mo dahil wala nang bakanteng upúan dito.
BANDÁ, LÁDO, SEKSIYÓN

3. Isa sa mga panig ng anuman.
Sa kabiláng dáko ng gusali ko iniwan ang sasakyan natin.

Paglalapi
  • • dumáko, idáko, mapadáko, padáko: Pandiwa

da•kô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Hiligaynón, Sebwáno, Waráy
Kahulugan

Tingnan ang malakí

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?