KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

di•rek•si•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
direccion
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Anumang pisikal na tinutúngo.
Walang direksiyón ang lakad mo.

2. Tingnan ang dáko
Sa direksiyóng iyon nagpunta ang mga kaibigan mo.

3. Tingnan ang pangangasiwà
Mahusay ang direksiyón niya sa tanggapang ito noong siya pa ang punò namin.

4. Tingnan ang átas
Nagbabâ na raw ng mga direksiyón ang kapitán ng barangay.

5. Tingnan ang panúto
Basahin mo muna ang mga direksiyón para maláman kung paano gamítin ang aparato.

6. Tingnan ang ádres
Sa direksiyóng nakalagay sa sobre mo dalhin ang mga papeles.

7. Pamamahala sa paggawa ng pelikula, pagtatanghal sa teatro, at iba pang katulad na sumasaklaw sa mga aspekto ng pagganap.
Kahanga-hanga ang direksiyón ng pelikulang pinanood ko para sa isang baguhang direktor.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?