KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dag•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Biglang pagdating nang maramihan, sabay-sabay o sunod-sunod (tulad ng sa kalakal, tao, atbp.).
Nakakagulat ang dagsâ ng kalakal sa pamilihan kapag panahon ng kapaskuhan.
BUGSÔ, HÚGOS, BUNTÓN, LANGKÁY

Paglalapi
  • • dagsaán, dagsaín, dumagsâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.