KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•gos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbababâ ng anuman mula sa mataas na lugar sa pamamagitan ng lubid, kawad atbp.
Untî-untî ang húgos ng lubid sa balon para hawákan ng batang nahulog.

2. Sabay-sabay na pagsugod ng maraming tao.
Makapal ang húgos ng táo sa sinehan.

Paglalapi
  • • paghúgos, panghúgos: Pangngalan
  • • humúgos, ihúgos, maghúgos, magsihúgos, pahugúsin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?