KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bágang tinatakpan ng ipa upang huwag mamatay.

2. Pagpapaningas o pagpapasindi.

3. Paglulutong gumagamit ng palayok at iba pang katulad nitó at pinagbabága ng ipa.

Paglalapi
  • • padáig: Pangngalan
  • • idáig: Pandiwa

da•íg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nahigitan sa antas ng kakayahan o isang aspekto, lalo kung nagpapaligsahan.
Daíg niya sa lahat ng bagay ang kapatid niyang panganay.
UNGÓS, TÁLO, SUPÍL, GAPÎ

Paglalapi
  • • pagkadaíg, panaíg, paráig: Pangngalan
  • • daigín, dinaíg, dumaíg, madaíg, magpadáig, makapanaíg, manaíg, padaíg, padaígin, panaigán, papanaigín: Pandiwa
  • • daíg-daigán: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.