KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

u•ngós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Dulo ng nguso.

2. Paglamáng sa kapuwa sa kakayahan o sa isang paligsahan.

Paglalapi
  • • umungós, ungúsan: Pandiwa
  • • maungós: Pang-uri

u•ngós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakalalamáng.

2. Nakalitaw o nakausli.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.