KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•wág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsirà sa isang pisikal na estruktura.

2. Pagsirà sa mga ugnayan ng isang pangkat (gaya ng samahán, barkada, organisasyon, atbp.).

bu•wág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Sirâ (kung sa mga ugnayan ng isang pangkat).
Buwág na ang aming samahán.
BAGBÁG, GIBÂ, TIBÁG, WASÁK, LANSÁG

Paglalapi
  • • pagbubuwág, pagbuwág: Pangngalan
  • • buwagín, ipabuwág, mabuwág, magbuwág: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?