KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lan•ság

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsirà ng isang bagay sa pamamagitan ng paghiwa-hiwalay ng mga sangkap o mga bahagi.

2. Pagkabuwag ng isang kapisanan o samahán, pangarap, mithiin, atbp.

Paglalapi
  • • paglanság: Pangngalan
  • • ipalanság, lansagín, lumanság, magkalanság-lanság, malanság, paglanság-lansagín: Pandiwa

lan•ság

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sirâ o hiwa-hiwalay ang mga sangkap.

2. Tingnan ang buwág
Isang lanság na kapisanan ang sinapian niya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?