KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•tú•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ANATOMIYA Organ sa katawan ng tao o hayop na may anyong likaw-likaw na túbo at pinagdaraanan ng pagkaing tinutunaw mula sa sikmura hanggang sa puwit.
ÍSAW

Idyoma
  • haláng ang bitúka
    ➞ Hindi natatakot mamatay at makapatay.
    Haláng ang bitúka ng kriminal na gumawa nitó.
  • malayò sa bitúka
    ➞ Hindi nakamamatay; hindi gaanong malubha.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.