KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•la•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa isdang hindi na sariwa o may palatandaan ng pagkabulok.
Hindi dapat kainin ang isdang bilasâ.
SIRÂ, HALPÓK, TAMBULÚKAN

Idyoma
  • bilasâ ang matá
    ➞ Mapungay ang matá dahil sa antok.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.