KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
barra
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Anumang bagay na nakaharang sa isang bútas.
PÁSAK, HADLÁNG, SIKSÍK

2. Pag-uukol ng pahayag na makapagpapatahimik o makapagpapahiya sa kausap.
SUPALPÁL

Paglalapi
  • • pagbabará: Pangngalan
  • • barahán, barahín, bumará, ibará, mabará, magbará: Pandiwa
Idyoma
  • nagbará ang ilóng
    ➞ Nagalit.
  • binará
    ➞ Sinalansan o hinadlangan.

ba•rá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
barra
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagsadsad ng sasakyang-dagat upang huwag munang gamítin o kayâ ay komponihin.

bá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
barra
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Súkat na 3 talampakan ang habà; mula sa gitna ng dibdib hanggang sa kahabaan ng nakaunat na isang bisig.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?