KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sik•sík

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pilit na pagsisilid ng anuman sa isang sisidlang punóng-punô.

2. Pagpások o paggitgit sa isang lugar na lubhang masikip.

3. Pagtatagò o pagkukubli sa isang sulok.

Paglalapi
  • • pagsiksík, paniksík, paniksíkan : Pangngalan
  • • ipansiksík, isiksík, magsiksíkan, maisiksík, makisiksík, manghiniksík, maniksík, maniksík, siksikán, siksikín, sumiksík: Pandiwa
  • • siksíkan: Pang-uri

sik•sík

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa sisidlán o lugar na punóng-punô ng lamán.
TIPÎ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?