KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•nál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Sinumang halos walang kasalanan o may taimtim na pagsisikap upang maging ganito.

2. Sinumang inilalaan ang búhay sa pagsamba sa pinaniniwalaang relihiyon.
SANTÓ, RELIHIYÓSO

Ba•nál na San•tat•ló

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
banál+na+isáng+tatló
Kahulugan

TEOLOHIYA Doktrina ng ilang relihiyong Kristiyano hinggil sa pagkakaroon ng tatlong distintong entidad para sa iisang esensiya ng diyos.
SANTÍSIMÁ TRINIDÁD

ba•nál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nauukol sa táong halos walang kasalanan o may taimtim na pagsisikap upang maging ganito.
BENDITÁDO

2. Nauukol sa sinumang inilalaan ang búhay sa pagsamba sa pinaniniwalaang relihiyon.
RELIHIYÓSO, SAGRÁDO, DIBÍNO, SANTIPIKÁDO, SOLEMN

Paglalapi
  • • kabanálan, pagkabanál, pagpapakabanál: Pangngalan
  • • pabanalín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?