KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sán•to ó•le•ó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
sán•to ól•yo
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Banal na langis na ipinapahid ng pari sa nagkukumpisal na maysakit o naghihingalo.

Sán•to Ní•ño

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. TEOLOHIYA Taguri sa batang Hesukristo.

2. Tawag din sa anumang imahen nitó.

Sán•to Pá•pa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

TEOLOHIYA Banal na ama at pinakamataas na pinunò ng Banal na Simbahang Katolika Romana at naninirahan sa Lungsod Vatican.
PONTÍPISÉ

sán•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Imahen nitó na matatagpuan sa mga simbahan at tahanan ng mga Katoliko.

2. TEOLOHIYA Alinman sa mga táong opisyal na idineklarang banal ng simbahang Katolika; sán•ta kung babae.

Paglalapi
  • • santuhín: Pandiwa
Idyoma
  • waláng sinasantó
    ➞ Walang kinatatakutan o walang pinalalampas.
  • sánto-santíto
    ➞ Kunwari ay mabait na katulad ng santo ngunit hindi naman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?