KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•hâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkakaroon ng malaking dami ng tubig sa isang pook na karaniwang tuyo bunsod ng walang humpay na ulan o ng pag-apaw mula sa karatig na láwas ng tubig.
DELÚBYO

Paglalapi
  • • pagbahâ: Pangngalan
  • • bahaín, bumahâ: Pandiwa
  • • baháin, pambahâ: Pang-uri
Idyoma
  • bábahâ ng dugô
    ➞ Magkakaroon ng patáyan.
    Bábahâ ng dugô sa pook na iyan kapag hindi namagitan ang mga maykapangyarihan.

bá•ha

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
baja
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Paghinto sa pagbabayad ng anumang palagiang obligasyon, tulad ng buwis, upa, atbp.

2. Pagkakaroon ng tawad o deskuwento.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.