KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•o

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Matigas na bahagi sa bunga ng niyog na nása pagitan ng bunót at lamán.

2. Tawag din sa laro ng mga batà na ginagamitan ng kalahati nitó na pinatatamaan.

3. Butó sa ibabaw ng bungo ng tao o hayop na kinapapalooban ng at nagsasanggalang sa utak.

Idyoma
  • níngas-báo
    ➞ Ikinakabit sa mga táong tamad at walang tiyaga sa anumang gawain.
    Si Richie ay níngas-báo lámang kung magtrabaho.

bá•o

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang bálo

Idyoma
  • magkabiyák na báo
    ➞ Mag-asawa o sinumang dalawa na lubhang magkasundo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?