KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Laláki o babaeng patay na ang asawa.
BIYÚDO, BÁO

Paglalapi
  • • mabálo: Pandiwa
Idyoma
  • bálo sa búhay
    ➞ Iniwan o hiniwalayan ng asawa.

bá•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Isdang-dagat (Ablennes hians) na humahaba ang katawan nang higit sa 2 talampakan, bilugán ang katawan, may mahaba at makitid na pangang nagsisilbing parang tukâ sa kabuoan, at may kulay na lungtiang pinilakan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?