KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Bagay na ikinakarga sa mga armas na pumuputok (gaya ng baril at kanyon) upang patamaan ang isang target.
PUNGLÔ, TINGGÂ

2. Anumang katulad na ikinakarga sa mga aparato o mekanismo.
Wala nang bála ang stapler natin.

Paglalapi
  • • pambála: Pangngalan
  • • baláhan: Pandiwa
Idyoma
  • kumakáin ng bála
    ➞ Hindi tinatablan ng bála; hindi takót sa bála.

ba•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang bantâ

Paglalapi
  • • baláan: Pandiwa
  • • mabaláan : Pandiwa

bá•la

Bahagi ng Pananalita
Panghalip
Kahulugan

Katagang katumbas ng "alinman," "anuman," o "sinuman."
Kunin mo ang bála mong maibigan at babayaran ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?