KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ting•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. KEMISTRI Metalikong elemento (simbolo Pb) na malambot, madalíng matunaw sa karaniwang init ng apoy, at nakalalason na ginagamit noon sa mga bubong at túbo.
BÁRHA

2. Kolokyal na tawag sa bála.

Idyoma
  • ipapakáin sa tinggâ
    ➞ Patay na.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?