KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ay•wán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
áyaw+an
Kahulugan

Salitáng ipinapalit sa anumang hindi maipaliwanag o hindi mailarawan.
Huwag mong pansinín ang aywán na iyan.

ay•wán

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Varyant
é•wan
Kahulugan

Ekspresyon para sa pagpapahiwatig na hindi alam ang anuman.
Aywán ko ba kung bakit ganiyan siya kumilos.
AMBÓT

ay•wán

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tunggák
Para kang aywán kung umasta.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.