KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

A•má Ná•min

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

TEOLOHIYA Dasal ng mga Kristiyano tungkol sa Diyos Ama na unang itinuro ni Hesukristo sa kaniyang mga apostol.

a•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Magulang na laláki ng isang tao.
PÁPA, ITÁY, TÁTANG, TÁTAY, TÁTA

2. Pangunahing nagtaguyod o nag-imbento ng isang konsepto o anumang anyo ng karunungan.
Si Quezon ang tinaguriang amá ng wikang pambansa.

3. Isa sa mga pangunahing laláki sa isang lungsod, bayan, at katulad.

Paglalapi
  • • mag-amá, pínakaamá : Pangngalan
  • • makaamá: Pang-uri

á•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang yáya

á•ma

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Chino
Kahulugan

Tingnan ang bihirà

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.