KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•hi•rà

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Paminsan-minsan lámang.
Bihírang dumalaw ang aming kaibígan.

Paglalapi
  • • pagkapambihirà: Pangngalan
  • • pambihirà: Pang-uri

bi•hi•rà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nagaganap lámang sa iilang pagkakataon o hindi gaanong nauulit.
Bihirà ang pagpunta niya sa bayan.
DILÌ, KÁKAUNTÎ, MANAKÁ-NAKÁ, TALÁGSA

2. Namumukod-tangi.
Bihirà ang gayong kagandahan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.