KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

á•gi•lá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
aguila
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Malaking ibong mandaragit na kung manginain ay sa araw at kilalá sa angking lakas, katalasan ng paningin, at taas ng paglipad.
BÁNOY

2. Uri ng baklad na may pempen, korona, at ang magkabiláng dulo ay hugis-agilang nakabukad ang pakpak.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.