KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hus•tó

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
justo
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Angkop o tama; walang kulang.
Hustó sa akin ang ibinigay mong damit.
KASIYÁ, SAPÁT, SUKÁT

Paglalapi
  • • kahustuhán, pagkakahustó: Pangngalan
  • • humustó, hustuhán, hustuhín, ihustó, ipahustó, maghustó, mahustuhán, mahustó, paghustuhín: Pandiwa
Idyoma
  • binigyán nang hustó
    ➞ Sinuntok nang buong káya.
    Binigyán nang hustó ni Pacquiao ang kalaban kayâ tulóg na bumagsak.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?