KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

par•té

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Bahagi ng anuman.

2. Isang dáko ng isang pook.

3. Panig na nasasaklaw ng isang pook.

4. SINING Sa pagtatanghal ng dulâ o anumang uri ng palabas, ang bahaging ginagampanan ng isang tauhan.
PAPÉL

Paglalapi
  • • kapárte, pagkaparté, pagpaparté, pagparté: Pangngalan
  • • iparté, magparté, maparté, partihán, partihín, pinarté, pumarté: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.