KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•pél

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Materyales na yarì sa dayami, kahoy, o iba pang mahimaymay na kagamitan, karaniwan ay manipis na pilyégo na sinusulatan o pinaglilimbagan, ipinambabalot, ipinampapalamutì, atbp.

2. Anumang bahaging isinasagawâ ng isang gumaganap sa dulâ o iba pang palabas na itinatanghal sa madlâ.

Paglalapi
  • • isapapél, magkapapél, magpapél, papelán, pumapél: Pandiwa
  • • mapapél: Pang-uri
Idyoma
  • basâ ang papél
    ➞ Hindi na pinaniniwalaan o pinagtitiwalaan, sirâ na ang kréditó.
  • malápad ang papél
    ➞ Pinagtitiwalaan, may malaking kaugnayan o impluwensiya; kapag may pinita sa kapuwa ay hindi nabibigo.
  • sirâ ang papél
    ➞ May masamang pagkakilala sa kaniya ang iba; hindi pinagtitiwalaan.

pa•pél de báng•ko

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
papel de banco
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Salaping papel.

pa•pél de-lí•ha

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
papel de lija
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Papel na magaspang ang isang panig dahil sa liha na ginagamit sa pagpapakinis ng kahoy o anumang ibabaw na lilihahin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.