KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•pa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Perang ibinabayad sa isang táong nagkakaloob ng serbisyo.
GANTIMPALÀ, SUWÉLDO, SÁHOD, FEE

2. Perang ibinabayad upang mamalagi sa isang pook o gumamit ng anuman na hindi sariling pagmamay-ari.
Tumaas ang úpa sa bahay namin.
ALKILÁ, ARÉNDA, RÉNTA, FEE

Paglalapi
  • • pangungupáhan, paupahán: Pangngalan
  • • iniúpa, ipinang-úpa, magpaúpa, mangupáhan, paupáhan, paupáhin, umúpa, upáhan: Pandiwa
  • • nangungupáhan, pinaúupáhan, páupahán: Pang-uri

u•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Bíkol, Hiligaynón, Sebwáno, Waráy
Kahulugan

1. Sapal ng nginatang buyo.

2. Tingnan ang darák

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.