KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•hod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Halagang tinatanggap ng isang kawani o sinumang naglingkod bílang bayad.
KABAYARÁN, KÍTA, SUWÉLDO, PASÁHOD

2. Paglalahad ng palad upang tanggapin ang ibinibigay sa kaniya.

3. Anumang sisidlang inilalagay sa dákong ilalim o ibabâ ng bagay upang tipunin o masilid doon, lálo at tumutulo o nahuhulog.

Paglalapi
  • • pagsáhod, panáhod, pasáhod, sahurán: Pangngalan
  • • ipansáhod, isináhod, isáhod, magpasáhod, magsáhod, pasahúran, pasahúrin, sahurín, sahúran, sumáhod: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?