KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hindi tuwirang pagsasabi o pagpapahayag ng naiisip na nais ipabatid sa kapuwa.
ALAMÍS, CLUE, HINT, IMPLIKASYÓN, DUNGGÍT

2. Pagkakaalam sa anumang bagay sa pamamagitan ng mga napapakiramdamang sabi-sabi.
HÍGING, PALATANDÁAN

Paglalapi
  • • pagpapahiwátig, pahiwátig: Pangngalan
  • • hiniwatígan, hiwatígan, humiwátig, ipahiwátig, magpahiwátig, mahiwatígan, makahiwátig, pahiwatígan, pinahiwátig: Pandiwa
  • • pahiwátig : Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.