KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•ging

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tunog o ingay na mabilis sumagì sa tainga.
Malakas ang híging ng bubuyog sa tainga ko.
HÁGING, HÚGONG, HÚNI, ÚGONG

2. Pagpapahiwatig ng himig ng isang tugtúgin o awit.
Sa híging lámang ng awit ng ina ay sapat na upang makatulog ang sanggol.
TÓNO

3. Pagkahiwatig sa anumang pangyayari o balità; pagkaalam na walang matíbay na saligan kung totoo o hindi.
Ang híging ng balità sa labas ay mag-aasawa na raw ang matandang dalagang pinsan mo.
TSÍSMIS, ULÍNIG

Paglalapi
  • • híging-híging, kahigingán, paghíging: Pangngalan
  • • higingán, humíging, ihíging, mahigingán: Pandiwa
  • • kahigíng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.