KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tó•no

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. MUSIKA Tingnan ang hímig

2. Kalagayan ng pagiging nása tama o inaasahang tunog kung umaawit.

3. Paraan ng pagsasalita.

Paglalapi
  • • magkatóno: Pang-uri
Idyoma
  • masamâ ang tóno
    ➞ Nauukol sa nagsasalitáng galít o hindi mabuti ang tunguhin.
    Masamâ ang tóno ng kaniyang pangungusap.
  • mataás ang tóno
    ➞ Nauukol sa táong mahirap pakisamahan dahil mayabang o matapobre.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.