KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•tì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbiyak o pagputol sa gitnâ.
Gitnáng-gitnâ ang hatì ng kawáyan.

2. Nabuong linya o pagitan na naghihiwalay sa dalawa o higit pang bagay na magkakatabi.

3. Pagbabahagi sa anumang piniraso o hiniwà.
Malalaki ang hatì ng bibingka.
PARTÉ

4. Pag-aayos ng buhok ng mga laláki, mula sa dákong noo hanggang sa puyo sa dákong likod o tuktok ng ulo.
Gawin mong tuwid ang hatì sa buhok niya.
HAWÌ, PÚRKA

Paglalapi
  • • hatián, kahatì, kalahatì, paghahatì, paghatì, pagkahatì: Pangngalan
  • • hatían, hatíin, humatì, ihatì, ipaghatì, ipahatì, maghatì, magkahatì-hatì, mahatì, makihatì, mapaghatì, mapaghatían, mapaghatî-hatían, paghatían, paghatíin, paghatî-hatíin: Pandiwa

ha•tî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Biyak sa gitna.
Hatî na ang kawayang pansahig.

2. Nasuklay o naayos na ang buhok.
HAWÌ

3. Nabahagi na.
Hatî na ang bibingkang ibibigay sa inyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.