KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•wì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalis o pag-aayos ng mga damo at maliliit na punò upang lumikhâ ng daanán.

2. Pag-aayós ng buhok.
Sa kanan ang hawì ng buhok ni Lina.

3. Pagbubukás ng isang tábing sa pamamagitan ng pagtulak o paghila sa mga ito sa isang tabi.

Paglalapi
  • • paghawì, panghawì: Pangngalan
  • • hawían, hawíin, humawì, ihawì, ipanghawì, maghawì, mahawì: Pandiwa
  • • nakahawì: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.