KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hang•gá•han

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hanggá
Varyant
hang•ga•nan
Kahulugan

1. Wakas o sukdulan ng saklaw.
Ang hanggáhan ng bakod ay nása dulo ng sapà.
HAMPÚLAN, KASUKDÚLAN, LÍMIT, LIMITASYÓN, LINDÉRO, LÍNYA

2. Anumang nagiging takdâ o tandâ na pagkakakilanlan ng saklaw ng pagkakaratig.
May nakalagay na mohón sa hanggáhan ng lupà naming magkapatid.
HANTÚNGAN, HATÌ, LINDÉRO, SUKDÚLAN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.