KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

yá•mot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Tangkay o uhay ng gisantes, bitsuwelas, at ibá pang mga pagkaing-butil na wala nang balát.

2. BOTANIKA Tuod ng palay, mais, tubó at iba pang naiwan sa lupa pagkatapos anihin o putulin.

ya•mót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bahagyang pagkagálit sa anumang hindi gaanong malubha (gaya ng matagal na paghihintay).
BUWÍSIT, INÍS, IRITÁ, TÁRKA, PIKÁDO

Paglalapi
  • • kayamután, pagkayamót, pangyayamót: Pangngalan
  • • ikinayamót, mangyamót, mayamót, nayamót, yamutín: Pandiwa
  • • kayamót-yamót, mapangyamót, mayamútin, mayayamutín, nakayáyamót: Pang-uri

yá•mot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tirá-tiráng buhok sa paligid ng babà at pisngi na nakikíta pagkatapos mag-ahit.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?