KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

u•ngós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Ang dulo ng nguso.

2. Kalamangan sa kapuwa (sa kakayahan o nalalaman).

Paglalapi
  • • umungós, ungúsan: Pandiwa
  • • maungós: Pang-uri

u•ngós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakalalamáng.

2. Nakalitaw o nakausli.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?