KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

u•ga•lì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kabuoan ng kilos at pananalita na malaking bahagi ng pagkatao ng sinuman.
Mas gusto ko pa rin 'yong táong may magandang ugalì kaysa nakakaakit na mukha.

2. Anumang gawi na ipinakikíta sa mga tiyak na sitwasyon.
Hindi magandang ugalì ang pagsusungit sa mga bágong salta.
ÁSAL, MÓDO

Paglalapi
  • • kaugalián, pag-uugalì: Pangngalan
  • • kinaugalián: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?