KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tin•dí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mataas na antas ng anumang sensasyon.
Hindi ko na káya ang tindí ng kirot ng súgat ko sa paa.
LALÂ

2. Lakas ng enerhiya o puwersa.
Kakaibang tindí sa pagpalò ng bola ang ipinamalas ng atleta.
SASÂ

Paglalapi
  • • katindihán, panindí : Pangngalan
  • • patindihín, tindihán, tumindí: Pandiwa
  • • matindí: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?