KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•náw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtingin sa anumang nása malayò o pagkakilála rito sa kabila ng distansiya.

2. Pagkilála sa anumang bagay (gaya ng utang-na-loob).

Paglalapi
  • • pagtanáw, tanáwan, tanáwin: Pangngalan
  • • magpatanáw, magtanáwan, mapatanáw, matanáw, patanawín, tanawín, tumanáw: Pandiwa
Idyoma
  • may matatanáw
    ➞ May maasahan o mahihintay.
  • malayò ang tanáw
    ➞ Nangangarap.

ta•náw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa pagiging abót ng paningin (lalo kung nása malayò).
Tanáw sa itaas ng bundok ang bahay namin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?